Monday, July 28, 2008

nakatutuwang patalastas

Malugod ko pong ibinabalita sa inyo ang isang patalastas, “dr.robles’s blog is up and running” . :)
Muling nabigyan ng ningas ang kanyang hilig s paglathala ng kanyang mga saloobin at karanasan atin na kanyang masugid n mambabasa. Sa kanyang puso’y muling nanahan ang kagustuhan na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

Nuong nakalipas n lingo ay napuno ng hinanakitan ang naunang pahina ng kanyang blog, dahil ditoy bahagya syang nagkaroon ng alinlangan kung dapat pa ba nyang ituloy ito o hindi na? nakararamdam sya ng pagkabagabag.
Nagdaan ang mga araw at wala p rin pagbabago s kanyang blog, ako bilang isang tagasubaybay sa makulay na buhay ng isang doctor sa hinaharap ay nalungkot din para sa kanya.

Mayroon talagang mga tao dito sa lipunang ginagalawan natin na kung mag pahayag ng kanilang paghuhusga ay tila wala ng pakundangan kung may maapektuhan ba ang kanilang pinatutungkulang mga salita. Ang mga pangyayari sa nakaraan ay bahagi n lamang ng kasaysayan n hindi na natin mababago, bagkus ay atin itong kapulutan ng aral. Hindi nasusukat ang pagkatao sa kung ilan ang nagawa mong tama o ilan ang nagawa mong mali s mga nakalipas na panahon. Anag mahalaga ay kung anu k ngayon. Kung anu ka sa mga taong nakapaligid sayo(just like what she said, she's somethin shiny :D). Maiksi lng ang buhay kayat d tau dapat mabuhay s nakaraan, sa halip ay matuto tayo ditto at harapin ang kinabukasan ng may ngiti s muka.(korni n ng post n to haha).

Muli, nais kong ipahiwatig ang aking galak sa muling pagbubukas ng mga pahina ng iyong buhay sa amin.(sana nmn payagan mo na din ako magcomment haha).

2 comments:

Ade said...

Lubha mo akong pinatawa sa post na ito! haha!

Thanks Nan!

zazt said...

haha, ako naman ay nagagalak at sa munti kong paraan ay natuwa k kahit papaano.. ^_^